gusto ko pong malaman kung ano po dapat ko gawin sa mga kapitbahay ko na lagi nagvivideoke. kagabi lang po ay napuyat kami mag-anak sa kanila, di pa sila nakuntento, ngayon uli umaga. tumawag ako sa barangay kaya lang pagdating nila, kapapatay lang ng videoke dahil sa lakas ng ulan. every week ay may videoke dito sa min at lagi sa tabi pa namin. ano po ba ang tama kong gawin? please help me... Mai
Mahilig akong kumanta, mahilig din ako mag-videoke. Pero sana naman, sa tamang oras.
Sana naman may umaksyon dito lalo na sa CAVITE. Sa mga leader, pano po kaya kung sa inyo mangyari ito? Tablan naman po sana kayo ng pagkaawa sa mga mamamayan na naghahanap ng hustisya sa isyung ito.